Blog
Paano Alagaan ang Prostate? Heto ang mga Tip na Dapat Tandaan
MatuklasanMga Kategorya sa Kalusugan
Mga Allergy
Mabuting Pag-iisip
Kalusugan
Orthopedics
Mabuting Pagtulog
Kalusugan ng Mata
Tingnan ang lahat ng mga kategoryaNakatuon ang Lahat
Tingnan ang lahat ng may pagpokusNational Breastfeeding Awareness Month
Heart Health: Groove is in the Heart
Want to Eat Healthy? Start Here.
Tool sa KalusuganMga Health Tool
Kidney Disease Risk Screener
Prediabetes Risk Screener
BMI Calculator
BMR Calculator
Tingnan ang lahat ng Health ToolsFavorite Tools
BMI Calculator
Alamin ang iyong Body Mass Index (BMI) gamit ang tool na ito.
See MoreSigns of Pneumonia Risk Screener
See More
Cervical Cancer Symptoms Assessment Online
See More Komunidad
Find your communities
Diabetes
Parenting
Skin Health
Tingnan ang lahat ng komunidadHighlight Posts
Magpakita pa Drew Pregnancy • 3 years Ingat mga moms. If you think you are experiencing depression, HelloDoctor Diabetes • 2 years Pagkain para sa Gestational Diabetes: Heto ang Dapat mong Kainin Lanie Senera Parenting • 2 years Lahat ba ng buntis ay dapat magpa BPS ultrasound? HelloDoctor Diabetes • 2 years Maagang Sintomas Ng Diabetes Na Dapat Mong Malaman FILEN
FIL
Kalusugan ng KalalakihanPaano Alagaan ang Prostate? Heto ang mga Payo na Dapat Tandaan
Ang prostate ay isang gland sa katawan ng lalaki na may malaking ginagampanan sa pagkayabong. Lumilikha ito ng fluid sa semilya na nagdadala ng tamod. Sa pagtanda ng mga lalaki, ang maliit na gland na ito ay maaaring magdala ng panganib ng cancer. Dahil dito, alam dapat ng mga lalaki kung paano panatilihing malusog ang prostate gland. Paano alagaan ang prostate?
Ano ang prostate gland?
Ang prostate ay isang gland na kasinlaki ng wolnat na matatagpuan sa ilalim ng pantog. Ang pangunahing trabaho nito ay maglabas ng prostatic fluid na nagpapalusog at pumoprotekta sa tamod at pinapabuti ang paggalaw nito.
Laman din ng prostate ng isang bahagi ng urethra – isang tubo na responsable sa pagdaan ng ihi mula sa pantog palabas ng katawan. Kapag lumaki ang prostate ng lalaki o tinatawag na benign hyperplasia (BPH), naiipit ng prostate ang urethra, na maaaring makaharang sa pagdaloy ng ihi. Mas karaniwan ang BPH sa matatandang lalaki, lalo na sa mga nasa edad 51 pataas.
Bukod sa BPH, isa sa pinakakaraniwang sakit sa reproductive system ng mga lalaki ang kanser sa prostate. Ayon sa 2018 data na nailathala ng WHO, ang mortalidad ng prostate cancer sa Pilipinas ay umabot na sa 3,319 o 0.54% ng kabuuang namatay. Noong 2014, naging ikaapat sa nangungunang kanser na nararanasan ng mga lalaki ang kanser sa prostate.
Hindi mo maiiwasan ang ilan sa mga salik na nagdudulot ng mga sakit sa prostate. Gayunpaman, malaki ang magagawa ng masustansyang pagkain at malusog na pamumuhay upang mapanatiling malusog ang prostate.
Kapag sinabing malusog na prostate , ibig sabihin ay wala kang nararanasang anumang problema o karamdaman sa reproductive at urinary system. Upang malaman kung paano alagaan ang prostate, narito ang ilang payo:
Paano Alagaan ang Prostate: Masustansyang pagkain
Kumain ng isda at limitahan ang pagkonsumo ng pulang karne
Ang mga isdang mayaman sa Omega 3 fatty acids tulad ng salmon at sardinas ay makakatulong na makaiwas sa pamamaga ng prostate. Ang pamamaga ng prostate ay madaling magresulta sa iba’t ibang sakit sa prostate gaya ng prostatitis at kanser.
Maglagay ng prutas at gulay sa araw-araw mong pagkain
Ang araw-araw na pagkain ng gulay at prutas ay makakatulong na mapanatiling malusog ng prostate. Nagtataglay ng phytochemicals ang mga cruciferous vegetables tulad ng broccoli at cauliflower na maiuugnay sa pagpapababa ng panganib ng kanser sa prostate.
Makatutulong din sa pagpapanatiling malusog ng prostate ang mga prutas tulad ng berries at ubas dahil mayaman ito sa antioxidants. Inaalis ng antioxidants ang free radicals sa katawan na nagdudulot ng mga sakit at nagpapabilis ng pagtanda. Pinipigilan din nito ang paglaki at pagdami ng selula ng kanser.
Piliin ang masusustansyang taba
Bukod sa pagbibigay ng enerhiya na kailangan ng katawan upang gumana nang mabuti, nakakatulong din sa pagpapanatiling malusog ng prostate ang mga pagkaing may masusustansyang taba tulad ng avocado , mga mani, at olives . Tinutulungan ng masustansyang taba ang katawang labanan ang mga nakapipinsalang epekto ng kanser.
Magandang ideya ang pagpili sa mga masusustansyang taba kaysa sa saturated fats at trans fat . Makukuha ang saturated fat sa dairy at animal products tulad ng gatas, itlog, etc; habang nasa fast food at processed packaged food naman ang trans fat .
Bawasan ang pagkonsumo ng asukal
Ayon sa pag-aaral (Concentrated Sugars and Incidence of Prostate Cancer in a Prospective Cohort, F.L. Miles et. al.), ang mga asukal mula sa mga inumin tulad ng s oftdrinks, energy drink , at juice ay nakapagpapataas ng panganib ng kanser sa prostate ng 21%. Bagaman kailangan pa ng dagdag na mga pag-aaral, binibigyang diin ng pag-aaral ang potensiyal na kaugnayan ng pagkonsumo ng inuming maasukal sa prostate cancer .
Maaari ka pa ring kumain ng matatamis paminsan-minsan sa pamamagitan ng pagpili sa mas masustansyang pagkain tulad ng smoothies, iced teas, at juices na homemade at gawa sa bahay.
Bawasan ang pagkonsumo ng asin
Kung hindi mo talaga maiwasan ang asin, subukang limitahan ang dami ng asing inilalagay mo sa pagkain. Maaaring mauwi sa urinary tract symptoms na kaugnay ng paglaki ng prostate ang paglalagay ng sobrang asin sa pagkain. Parehong inirerekomenda ng CDC at ng American Heart Association ang pagkonsumo ng hindi lalagpas sa 2,300mg ng sodium (asin) araw-araw.
Maraming pagkaing mababa sa asin ang mabibili sa pamilihan na magandang pamalit sa mga pagkaing maraming asin na madalas mong kinakain. Bukod dyan, iwasan ang processed food tulad ng bacon at hotdog , frozen food tulad ng pizza, snack food tulad ng chips , at canned meat , dahil mataas ito sa asin.
Kontrolin ang lahat ng kinakain
Isang dahilan ang labis na katabaan sa maraming sakit. Kabilang dito ang posibilidad ng pagtaas ng panganib ng kanser sa prostate . Sa isang pag-aaral ng American Cancer Society, napag-alamang ang labis na katabaan ay nagpapataas ng panganib ng prostate cancer ng 20%. At tumataas ang panganib ng 34% para sa mga higit na labis ang timbang. Sa paglilimita ng pagkain at pagpapanatili ng malusog na timbang, mapapababa mo ang panganib hindi lamang ng prostate cancer kundi maging ng iba pang kanser at sakit sa puso.
Paano Alagaan ang Prostate: Mas malusog na pamumuhay
Regular na pag-eehersisyo
Mahalaga ang pagsasagawa ng iba’t ibang gawain hindi lamang upang mapanatili ang malusog na timbang kundi matiyak na napapababa ang panganib ng pagkakaroon ng kritikal na mga sakit. Ang 30 minutong pag-eehersisyo sa mas maraming araw sa isang linggo ay makatutulong upang gumanda at mapanatili ang magandang pangangatawan.
Madalas na ejaculation
Dahil bahagi ng reproductive system ang prostate at responsable sa produksiyon ng tamod at semilya, ang madalas na paggamit nito ay nakapagpapabuti ng kalusugan ng prostate.
Sa isang pag-aaral, ang mga lalaking nagbubulalas ng 21 beses o higit pa sa loob ng isang buwan sa buong buhay nila ay 31% na mas ligtas na magkaroon ng prostate cancer kumpara sa mga lalaking nag-ejaculate lang ng 4 – 7 beses bawat buwan.
Itigil ang paninigarilyo
Ang carcinogens mula sa paninigarilyo ay nagpapataas ng panganib ng prostate cancer . Nangangailangan pa ng dagdag pa mga pag-aaral upang suportahan ang paniniwalang ito. Gayunpaman, napatunayan nang nakapipinsala ang paninigarilyo at nakapagpapahina ng resistensya. Kaya naman hindi na ito (resistensya) gaano kaepektibong lumaban sa mga sakit.
Regular na magpatingin sa doktor
Isang paraan upang mapanatiling malusog ang prostate gland ay sa pamamagitan ng regular na pagpapatingin sa doktor. Ito ang pinakaimportante para sa mga lalaking mas malapit sa panganib ng mga sakit sa prostate tulad ng prostate cancer .
Tutukuyin ng doktor kung kailangan mo bang masuri para sa cancer. Ginagawa ito sa pamamagitan ng digital rectal exam at/o prostate-specific antigen (PSA) blood test. Sa pangkalahatan, ikinukonsidera ang mga lalaking 50 taong gulang pataas na at risk. Kaya’t pinakamainam na kumonsulta sa doktor kung kasama ka na sa age group na ito.
Key Takeaways
Maaaring maliit lamang na organ sa reproductive system ng lalaki ang prostate gland , ngunit mahalaga pa rin ito sa reproduksiyon. Makatutulong ang pagsasaayos ng lifestyle at madalas na ginagawa upang matiyak na hindi nanganganib na magkaroon ng anumang sakit ang iyong prostate. Upang mapanatag ka, mas mainam na kumonsulta sa doktor at magpatingin hangga’t maaga.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Kalalakuhan at Kalusugan ng Prostate dito .
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Sanggunian
Philippines Prostate Cancer, https://www.worldlifeexpectancy.com/philippines-prostate-cancer, Accessed August 23, 2020
Prostate Cancer Awareness Campaign, http://www.philcancer.org.ph/wp-content/uploads/2014/06/Si-Mang-Jun-Ay-Nailigtas-sa-Prostate-Cancer2.pdf, Accessed August 23, 2020
Concentrated Sugars and Incidence of Prostate Cancer in a Prospective Cohort, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6123266/, Accessed August 23, 2020
Five Food to Protect your Prostate, https://www.pcf.org/c/five-foods-to-protect-your-prostate/, Accessed August 23, 2020
Ejaculation Frequency and Prostate Cancer, https://www.health.harvard.edu/mens-health/ejaculation_frequency_and_prostate_cancer Accessed August 23, 2020
10 Diets and Exercise Tips for Prostate Health, https://www.health.harvard.edu/mens-health/10-diet-and-exercise-tips-for-prostate-health, Accessed August 23, 2020
Tips for Keeping a Healthy Prostate, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/tips-for-keeping-a-healthy-prostate, Accessed August 23, 2020
Tips for a Healthy Prostate, https://vitalrecord.tamhsc.edu/tips-for-a-healthy-prostate/, Accessed August 23, 2020
Smoking Tied to More Aggressive Prostate Cancer, https://www.health.harvard.edu/blog/smoking-tied-to-more-aggressive-prostate-cancer-2018112615452, Accessed August 23, 2020
GET THE FACTS: Sodium and the Dietary Guidelines, https://www.cdc.gov/salt/pdfs/sodium_dietary_guidelines.pdf, Accessed September 23, 2020
How much sodium should I eat per day?
https://www.heart.org/en/healthy-living/healthy-eating/eat-smart/sodium/how-much-sodium-should-i-eat-per-day, Accessed September 23, 2020
Obesity and prostate cancer,
https://www.health.harvard.edu/newsletter_article/obesity-and-prostate-cancer#:~:text=In%20the%20American%20Cancer%20Society,agree%20with%20the%20American%20research., Accessed September 23, 2020
Examining the Relationship Between Obesity and Prostate Cancer,
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1550782/, Accessed September 23, 2020
History
Kasalukuyang Version
07/23/2022
Isinulat ni Daniel de Guzman
Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD
In-update ni: Jaiem Maranan
Mga Kaugnay na Post
Benepisyo ng Pagkakaroon ng Balbas, Alamin Dito
Lalaking may Malaking Suso? Ano ang Gynecomastia?
Narebyung medikal ni
John Paul Abrina, MD
Oncology · Davao Doctors Hospital
Isinulat ni Daniel de Guzman · a
advertisementNakatulong ba ang artikulong ito?
advertisement advertisement LoadingNais ng Hello Doctor na maging iyong pinakapinagkakatiwalaang kaalyado para makagawa ng mas matalinong mga desisyon at mamuhay nang mas malusog at mas masaya.
Discover Health Tools Care
Information
Term Of UseHello health
About Us©2024 Hello Health Group Pte. Ltd. All Rights Reserved. Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.
Posted by Jack Read more Comments (15) 2024.08.28 16:02